“Parahin ang pangyayamot sa mga progresibong partylista!” – Anakbayan Toronto

AB-T photo

Mula sa hanay ng progresibong kabataang Filipino sa Canada, ang Anakbayan Toronto ay taas kamaong sumusuporta sa Kabataan Partylist at sa PISTON partylist para sa nalalapit na halalan ngayong Mayo 13.

Ang pagtatangka ng Commission on Elections (Comelec) na i-diskwalipika ang dalawang progresibong partido dahil lumabag ang mga ito umano sa patakaran sa pagpapaskil ng mga poster ay hindi makatarangunan, kahit na nagwasto na ang mga partidong ito at tinanggal ang mga posters. Ang mga partylista na kaalyado ng pamahalaan ng Pilipinas, tulad ng Akbayan at Anak Mindanao ay may tig-siyam na paglabag sa batas, ay hindi nila ito i-diniskwalipika ng kumisyon!

Ipinapakita ang anti-mamamayang interes ng Comelec at ng sabwatang US-Aquino lamang ang nangingibabaw sa paglalako ng mga partido na kaalyado nito. Kaalinsabay nito ang kanilang paniniil sa mga makamasang progresibong partylist upang panatilihin ang sistema ng pagsasawalambahala sa mga mamamayang Pilipino, nasa Pilipinas man o sa ibayong dagat.

Kung itatala, ang Piston partylist ay tuloy-tuloy na nagsusumikap sa pag-arangkada ng karapatan ng mga tsuper at sektor ng transportasyon. Sila ang pangunahing bumubusina sa laban sa pagtaas ng presyo ng langis sa konteksto ng deregulasyon ng industriya.

Sa kabilang banda, ang Kabataan partylist ay isa sa masugid na nagbitbit ng isyu para sa kapakanan at kalagayan ng mga estudyante at ng kabataang Pilipino. Sa loob lamang ng dalawang taong pagkaluklok sa Kamara, ipinakita ng Kabataan ang kasanayan at representasyon sa paglatag ng mga panukalang batas. Walo mula sa 35 lamang rito ang di kaugnay sa sektor ng kabataan, ayon sa isang pag-aaral. Aktibo rin ang pakikibaka ng mga kasama sa loob at labas ng kongreso, laban sa mga hindi makabayan na patakaran ng rehimeng US-Aquino.

Sa semi-kolonyal na kasaysayan ng Pilipinas, napatunayang minamaniobra ng pamahalaan sa Washington ang bawat proseso ng halalan sa pamamagitan ng pagtulak ng mga lokal na tuta nito upang paigtingin ang impluwensiya nito sa bansa.

Sa ating patuloy na pag ooganisa ng mga kabataang Pilipino sa labas ng bansa ay aktibo tayong nag-aambag sa paglikha ng kasaysayan. Di lamang natin pananatilihing ang muling pagkapanalo, bagkus ay itutulak rin natin ang paglawak ng representasyon ng sektor ng kabataan at masa sa kongreso .

Kami sa Anakbayan-Toronto ay nananawagan kay Commissioner Sixto Brilliantes ng COMELEC at G. Benigno Aquino III na itigil ang political harassment sa mga progresibong partylist. Itigil ang panggigipit sa mga progresibong partylist gaya ng Kabataan Partylist at PISTON! ##

kabataanpartylistposter2

%d bloggers like this: